Smasshhhh
Sometimes I wanna smash my head in front of a wall and imagine that it will break into tiny Lego blocks.

Patty Adventure All Over The Metro: Zark’s

Yesterday, my friend and I went to the green archer’s territory just to have a taste of Zark’s famous burgers. We kinda had this agreement where we’d go all over the metro in search of the best burgers in town. We started trying out different burger resto’s last summer. It was review season in Katipunan area noon and there are a lot of burger restaurants there. I remember it was Crave Burger in Tiendesitas that we first tried and that started this whole burger hunting adventure. Among all of the burgers we’ve tried were Big, Better Burgers in Katipunan, Army Navy in SM North Edsa, Mushroom Burger somewhere in Katipunan, Stackers Burgers in Eastwood and Slammer’s Burgers in Trinoma which I hated most because of their unsatisfying burgers. Sobrang liit ng burger tapos yung buns na gamit parang MONAY! Abot 150, di pa masarap kahit 4 na piraso pa siya at gawa sa kung anong special na baka! Sakit sa bangs.

First time niya sa LRT 1 pagbigyan.
Dapat makikipag kita kami kay Lance ni Levi pero medyo late na kami nagsipag gising kaya ginahol sa time kaya Lance ended up going home kasi may mga errands pa daw siyang gagawin. Nung nalaman kasi namin na si Lance mahilig din sa burgers nakijoin in na din siya though parang mas marami na nakainan si Lance. Anyhow, we still decided to continue to Taft, afterall we were halfway there naman na din and oppurtunity nanaman to get lost sa streets.
Good thing kabisado ko mag-commute commute. When I was still in second year high school kasi yung dad ko ang biyahe ng barko nila dito lang sa Manila carrying cargo and stuff kaya nagpupunta kami every weekends sa may pier ng Manila at nagaakyat barko. I got familiar on what and where to ride to get to places in the Metro.

When we arrived there, direcho Zark’s at order na agad. We tried calling Lance to ask which burger is the best since there are a lot to choose from. He recommended the Zark’s Ultimate Burger. True enough, it was good. The patty’s big and yummy, greasy but satisfying. The price was not bad too. @ 130 pesos you get to have a big burger. Add an additional 20 and you’re upgraded with fries and iced tea. The burger’s big that I needed too slice each bite just for me to finish it. It think it was way better then Army Navy’s burgers but Levi disagrees. :))

Since nakauwi na nga si Lancelot, nagtawag kami ng mga kakilala na nasa Taft area nag-aaral. Una si Dave, kaso kasabay na yung kuya niya. Then tinext namin si Mark (Makasiar), di nagrereply. Ang alam namin 6 pm pa uwi at baka nasa class kaya hindi nagrereply so nagikot ikot muna kami sa palibot ng CSB. Umabot kami sa may St. Scho. and the ever popular SEx (Sinangag Express).

St. Scho. sa likod ng CSB

Sinangag Express. Odd abrev no?
Nung medyo malapit na mag 6 nag Starbucks kami saglit at triny tawagan si Mark. Eh ayun nakauwi na pala at nasa RP na. Kaiyak. Kaya napauwi kami agad at pinaantay nalang muna si Mark sa RP. Nung nasa LRT 1 na kami, biglang tigil naman yung train. Ay, onga pala first time ni Levi napadpad sa Taft at nakasakay ng LRT 1 kaya mas nakakatawa. Nung nakadating na kami sa RP, naglaro lang kami dun sa XBOX area sa 3rd floor ng Marvel vs. Capcom 3.
Which burger resto’s next? Hmmmm.
(pansin din namin na 3 days palang conyo na sila Lance at Mark)
When life gives you lemons, don’t make lemonade. Make life take all the lemons back. They give you shit? Nah, who cares. Make them eat it.
May 14: Swimming Day/Overnight edit part 1
Balak ko sana magpakain sa birthday ko, kaso di naman pede yung iba. Parang thank you lunch nadin para sa mga friends ko. Kaso ayun nga pinacancel ko nalang kasi nga di pede yung iba.
Nakita ko lang sa group na nagpaplano sila Rohannie magswimming sa Village East. Di sana ako sasama pero sabi nila lilibre nila ako so go naman ako. Ang usapan pala nila ay 10 or 9, nagising ako 10:20. Ang sinabi din kasi ni Rohannie sakin 11 eh kaya nung nagising ako ng maaga-aga natulog ule ako at umabot ng 10:20 ang gising. So ayun nag aantay lang din ako ng text or tawag, kasi if you know, never akong lalabas/aalis ng lakad unless sure ako at itetext ako na may papunta na sa venue. Andun na sila sa Mcdo Tropical kaya nagmadali nako. Pag dating ko dun dumiretso na kaagad kami sa jeep papuntang Village East. Medyo naiilang ako kay Levi nun kasi nag-away kami :)) So ayun, nag-tric kami papunta kanila Dave. Pag baba namin sumilip kami sa gate nila at may nakita kaming nagsasampay. Ayun si Denmark pala, si bespren nung pers year ako. Well naging close kami kasi siya yung unang lumapit sakin nung first year kami. Loner ako sa canteen lagi at siya yung unang nakipagusap at nagsabing sumama ako sa grupo nila pag lunch breaks and before I know it, nabuo yung Poring Fans Club. Kwento ko nalang some other time yung PFC nayan. Anyway, lumabas si Dave tas nagpaabiso na mauna nalang kami sa pool ng Village East at susunod nalang siya.

Ganda ng simbahan sa V.E. yayaman kasi ng mga nakatira. Nevermind that sissy finger. Habang papunta sa pool.
Pagdating namin sa pool, guest what? SARADO daw kapag MONDAY. Sa sobrang init nanhina kami, sabay balik sa bahay nila Dave. Saklap lang kasi parang sign ata na wag na magswimming. Pero hell naww, sa sobrang init nung araw na yun gusto ko na lang talaga maglublob. Kaya habang inaantay namin matapos si Dave sa kanila, pumunta nalang kami sa regular tambayan netong mga Plurkers. Nag Kopi Kopi nalang muna kami at least medyo malamig at sobrang lapit lang kanila Dave.

Habang nag-aantay kay Davie :)) Naglaro sila ng Uno. Wala din akong pera pang kain at di rin ako nag breakfast. In short. Nagswimming ako ng walang kain buong araw. Nice diet, Julio.
Libre nga nila ako diba? Kaya sakay lang. Nung dumating na si Dave, nagdecide na kami kung san pupunta at ihahatid kami ng service nila. Nagusap kami kung san may malapit na pools at sa Greenpark nga lang meron. Sa village namin, sa Casanjo.

Nung dumating na sundo. Direcho na kami ng Greenpark. Namili kami kung sa clubhouse or Casanjo 1 or 2 or dun sa may isa pang pool sa may Jade street kung saan nakita namin sila Jaki, Billy, Mariel at Pam. Oh diba? Adventure. Daming nakikita. Sa Casanjo 1 kami nagsettle kasi puno yung 2 at pangit din yung pool sa may Jade street kung nasaan sila Pam. Ginagamit din yung clubhouse ng Greenpark kaya sa Casanjo nalang talaga. Wala naman ding tao, kami lang.

bumaba na kami ng school bus nila Dave at naghanap kung alin sa mga pools ang lalanguyan. :))
Dumating bigla si Kat. Sakay ng tricycle, humabol siya. Buti di pa kami nakakalangoy. Ayun naghati hati sa bayad, shower then sabay isa isang dive. Nagtagal din kami dun hanggang umulan nalang at nasugatan yung paa ni Mark. In short lumangoy kami sa pool na may regla ng paa ni Mark, eww. Mga halos 2 hours na langoy may mga dumating na mga Jejepeople sa pool kaya umahon na kami. Kadiri na eh.
Inaantay ko lang din tumawag si Tomo, kasi mageedit pa kami ng video ni Jike sa condo ng tita ni Tomo sa Bali Oasis. Nasa MOA pa siya kaya nag enjoy enjoy muna ako. After makapag bihis bihis. Diretso Sta Lucia na kami at kumain sa Chicboy. Dun nalang, kasi gutom na gutom nako laman lang puro laway at tubig galing sa pool na siguro may onting dugo ni Mark sa paa at sipon sipon ng mga naunang nakalangoy dun. Eckk. Kadiri lang :)))))))
Habang kumakain. May pumasok sa Chicboy na familiar face. Guess who? It’s Sr. Jay Gamatero. Akalain mo? Pati si Des Cunanan din pala na tingin ko idedate ni Levi kasi nung naghiwahiwalay na kami sila magkasama. Umuwi muna ako para magbihis pero habang naglalakad nako pauwi sa may simbahan, nakasalubong ko yung kotse namin. Sinakay ako nila mama at magmamall daw sila. So sumama nadin ako tutal di pa naman nakakauwi si Tomo Kuds. Nagikot-ikot muna kami sa mall nila mama tas umuwi na din. Lumabas uli kami kasi hinatid ako nila mama sa Bali Oasis kasi nakauwi na si TK.
to be continued…
Paglalayas!
Sobrang spur of the moment lang na napadpad ako ng Antipolo. Hindi naman planado, pero ayun nga sobrang spontaneous ako na kahit last minute decision go na go ako. last Monday napa-PM ako kay JC mga hapon yun eh. Nagtanong lang ako kung pede pa akong pumunta sa kanila (medyo joke yung pagkasabi ko pero seryoso ako kung bigla siyang mag-oo). Eh…pumayag siya, sabi niya try daw reformat yung PC nila so sige ako “ayos yan game”. Dali-dali naman akong umalis. Nag-antay ako ng jeep paantipolo sa may tapat ng Jollibee sa may Marcos High-way. Swerte ko lang, umulan ng malakas. Naisip ko baka testing lang yun sakin kung tutuloy pa ba akong mamundok. Umabot na ng 5:30 wala pading maluwag na jeep pa Antipolo, kaya ginawa ko sumakay nalang ako ng hanggang Masinag na jeep para dun nalang ako sasakay ng pa-Antipolo. Nung malapit nako sa Masinag, sobrang lakas naman bigla nung ulan. Buti nalang yung bag ko medyo water-proof kasi kundi lunod yung external hard drive ko, pero kung malunod man siya, MEH… wala na akong paki siguro HAHA.
Malakas pa din yung ulan pero buti may jeep na agad na nakatambay sa may Masinag kaya sumakay nako agad. Pag pasok ko, napunta ako sa dulo. Medyo maluwag sa dulo kaso may napakalaking sako ng bigas sa gitna kaya di ko masuksok yung paa ko. Yung ale naman na katabi ko panay sabi sakin ng “nako, kuya basang basa ka na”. Sobrang lakas din kasi talaga, mahangin pa kaya ayun BASANG BASA SA ULAAN WALANG MASISILUNGAN…ahem ahem…ok.
Nung mga medyo malapit na sa tuktok, walang kaulan-ulan. Buti, kasi kawang kawawa ako pag nagulan pa ule. Usapan namin ni JC sa simbahan ng Antipolo magkita. Yung jeep na nasakyan ko, hindi ko alam kung san ako binaba, basta sabi lang yung mga “simbahan dito na” kaya bumaba na din ako. Sunod lang ako sa mga tao. Eh shit lang di ko makita yung simbahan, so naglakad lakad ako. Trusted my instinct sa directions and sinundan ko yung mga jeep at tricycle kung san sila nang gagaling. Siyempre yung simbahan yung center sa tuktok at sakayan ng karamihang jeep kaya alam kong tama ako. True enough nakita ko yung Mcdo at yung simbahan. Whew lang akala ko mapapadpad ako sa kung san. Pero kung sakaling mawala man ako, ayos lang, experience yun. Gusto ko din kasi yung feeling ng nawawala sa kung saan saan.
Tinawagan ko si JC nung nasa simbahan nako kaso out of coverage area yung phone niya. Ay, nawala nga pala niya yung cellphone niya kung saan kaya hinihiram niya yung cellphone ng kapatid niya para lang makapagkita kami. Kawawang bata. Nagdasal muna ako sa simbahan, isa rin siya sa reasons ng pagpunta ko dun eh. Tumawag ulit ako after kay JC. Buti, sumagot kaya ayon nakapagkita kami.

Habang naglalakad lakad usap usap kami. Napansin ko yung lugar sa simbahan, parang unfamiliar territory. Gusto ko yung feeling na hindi mo kilala yung lugar tas inaappreciate mo lang habang naglalakad. Parang medyo escape narin sa nakakasawang areas dito sa may Cainta. Kinuwento ko kay JC na tinatawagan ko yung nawalang phone niya tas nagriring. Sabi ko “ay baka kasi walang gustong pumulot’ and “dapat may ‘where’s my nokia’ yung cellphone mo”. Ayun, so sumakay na kami ng tric papuntang village nila. Pag dating sa kanila mga bandang 6:30 medyo may araw pa ng onti. Waley si Mrs. Oliveros pero andun yung kapatid niya na nagka-dengue nung last time na nandoon kami ni Levi. Medyo prepared ako sa overnight kasi nagdala ako ng damit and charger and gadgets. Akala ko mag rereformat talaga, pero nung nandun na, nagkatamaran na lang din kaya nanuod nalang kami ng HIMYM at ng mga edit kong videos sa external hard drive ko. Eh medyo nakatulog ako nung nag HIMYM sila nung kapatid niya. Nakatulog ako habang nakaupo, medyo antok din kaya ako. Nagising nalang ako Ace Ventura na palabas.

meet ace the hamster!

HIMYM marathon!
Biglang naisipan ni JC na magpunta kanila Thenard. Ayun, nag XBOX nalang kami tas naglaro ng Tekken. Challenge the winner kaya paikot yung controller sa amin ni Thenard at nung kapatid niya tas samin ni JC. Eh wala diyos si Thenard sa Tekken. Talo kami lagi. Nung medyo nagkasawaan na naglaro nalang kami ng Dance Central. Ay, shet may pictures pala ata kami na natira na kinuha ng Kinect habang sumasayaw kami -___-.

Tekken Tournament
Tas ayun biglang dumating yung mama ni JC sa bahay nila Thenard. Mag besties yung mga mommy nila. Tas nung mga onti onti bumalik na kami kanila JC. Kumain saglit tas nanuod ng PBB teens. Nung moment nayun parang feeler ako na tigadun din. Naglilipat-lipat ng mga channel sa TV na hindi naman ako ang nagmamay-ari. Tinapos lang namin yung PBB tas nagpa-ercon sa kwarto ni drama boy. Nagkwento-kwentuhan kami, nagtanong tanong ako siyempre kung bakit siya nagdrama nung birthday ko. Ayaw niyang sabihin nung una kung bakit talaga pero napilit ko din. (Oh sa amin nalang yun). Eh hindi pa kami dinalaw ng antok kaya mahabang kwentuhan lang habang nang-iistalk ng mga profile sa FB. Eh ayun dun ako sa lapag nakapuwesto pero ercon naman kaya ok lang din. Mga 1:30 am medyo inantok na kami kaya nagpatay nalang ng ilaw ilaw. Pero ayun kahit nakahiga lang nagkukwentuhan padin. Biglang maya maya habang nagkukwento ako, wala nang sumasagot. Puta, tinulugan ako amp! Kaya ayun natulog nalang din ako :))))))
Mga 10 am nagising ako kasi may parang gumagalaw sa tabi ko. Yun pala yung kapatid ni JC yun, si Mike, kinukuha yung laptop. Eh kahit lutang pako, natripan kong gulatin. Bigla akong bumangon sabay balik ulit sa pag-higa. Nagulat, sabi niya “natakot ako!”. Whew retarted ko lang hahahaha.
After nun di na ko mabalik sa tulog. Magtatanghali na tulog padin si drama boy. Kaya cellphone cellphone muna at triny tawagan yung cellphone niyang M.I.A pero nagriring lang talaga. Nung mga 12 na bumaba na kami tas kumain ng brunch na handa ni Mrs. Oliveros. Masarap ha infairness. And katulad ng mama ni Levi Klein, Nagchika chika din kami ng Mama ni JC. Lagi akong iniinterview ng mga nanay ng mga kaibigan ko ewan ko ba. Pero at least ngayon may mga nasasagot na ako. Dati kasi hindi talaga ako makausap ng mga nakakatanda kasi shy si kuya. :))))))))
After ng brunch nagready na umalis ule yung mama ni JC. Tas nanuod nalang kami ng Game of Thrones sa Bravia niya. Di naman nagsabi tong isa na ‘to edi sana nakapag dala ako ng XBOX nakapaglaro laro kami. Nung mga alas 4 na banda, dumating naman si Thenard. Nagwala daw yung kapatid niya dahil lang sa nag lag yung laro niya. (Sa Garena siguro.) Nanuod nuod lang sila ng TV habang nangtotroll ako sa ibang tao gamit account ni drama boy.
Mga 5 na wala pa akong balak umuwi, ewan kasi pag-uwi ko makikita ko nanaman yung kwarto ko. Tas magbabasa nanaman ako ng mga kung ano anong tweets na magpapasakit lang sa ulo ko. Tapos ko na lahat ng mga dapat i-marathon na series eh. Maya-maya bored na kami kaya, nagpunta ule kami kanila Thenard tas nag Kinect Adventures at Tekken nanaman kami. (shit lang yung pictures naming ewan wag sana iupload via XBOX) :)))
Never had this feeling again since nung mga 7 years old ako. Mahilig ako tumambay sa bahay ng kaibigan ko at naglalaro ng Mortal Kombat magdamag. Until my friend moved out and went somewhere. Ewan kung saan. Biglang nagtext mama ko kung uuwi ba daw ako. Ayaw ko pa sana kaso nahihiya nako kanila JC 2 days na overnight na yun. So we decided to cut the game na and go back sa Oliveros Residence. Nagpaalam lang ako saglit sa mama ni JC tas ayun sinamahan niya ko papuntang Shopwise. Sumakay ako ng jeep pa junction tas bumaba na sa harap ng Greenpark. Naglakad nalang ako pauwi. Ewan mas feel ko eh.
Habang naglalakad, parang medyo nawala yung mga iniisip ko netong mga nakaraang araw (medyo pero hindi fully). Surprised din kasi biglang hindi na mabigat yung puso ko sa mga nakakalokong bagay na gumugulo sakin. Nakatulong yung “paglalayas” (pero nagpaalam ako bago umalis ng bahay namin) sakin. Nakakatuwa din pala yung feeling na malaman mo na may mga tao din pala sa paligid mo na pedeng matakbuhan kapag yung feeling naeewan ka na. Ewan, yun din yung mga matagal ko nang hinahanap. Yung pede mong puntahan yung bahay ng kaibigan mo tas feel at home ka lang dun at walang kung ano mang inarte. Nalimutan na nga namin mag reformat eh! Try ko ulit maglayas :))))))))))))))))
Bakit pag nakikita ko si Katy Perry, nakakakilig?
Have you ever had that moment where your heart sinks everytime you wake up? That moment where you feel all alone even though there’s people around you. That moment where you feel so numb that you don’t even care anymore. That moment where you wish you could just wake up to stop all the bad things that are happening. That moment where you pretend to be ok in front of your friends but hiding doesn’t seem to make it go away. You start to hate yourself. You feel lost. You become something else you can’t even recognize. What would happen next? Is there truth behind the blurred lines? Can you be saved? Uncertainty, is such a weird feeling. Sigh…
Maybe someday I’ll find someone who would be there for me at my lowest lows and highest highs. Someone who would understand me even though I’m not making sense with my words. Someone whom I’d come to even if the sun refuses to shine. Someone that I could bury all my worries to and feel better after. Someone who would be worthy of all my efforts and appreciates evrything that I do. If you’re already there, save me. If you’re far from me, I’ll wait for you. Until that day, I’ll be right here where everybody left me.


